Tuesday, September 1, 2026

Salamat, Rizal

 Originally posted on 12/30/25. 

Naalala ko isa sa pinaka ayokong subject sa school dati eh yung history. Parang ang boring kasi. Parang puro date ang kwento, tapos kung anong nangyari nung araw na yun. Ganun. Paulit ulit. Parang mahabang kwentong wala namang kinalaman sa araw araw kong buhay noon. 

Napagkwentuhan kung pano lumaban yung mga sinaunang pinoy para sa kalayaan. Sila Lapu Lapu, yung Katipunan, Bonifacio, atbp. Astig. Tuwing nababanggit ang salitang “laban” o pakikipagsapalaran, ang lagi kong naiisip eh yung mga nakikipaggiyera, yung mga lakas na pisikal. 

Kaya bilib ako sayo, di ka nakipaglaban gamit ang pangkaraniwang sandata tulad ng baril o itak. Pluma ang naging sandata mo. Hindi ko masyado napahalagahan noon kung gaano kaastig yung ginawa mo. Masyado pa akong bata para maintindihan yun. Ang gusto ko lang gawin nun ay maglaro ng basketbol. 

Nung pa-unti unti na akong tumatanda, mas nagkaroon ng saysay yung estilo mo sa akin. Naalala ko isa sa pinakapaborito kong sinabi mo, na positibo ka para sa kinabukasan ng kabataan, na may mahusay kaming tsansang higitan ang mga nauna sa amin dahil ang kinabukasan ay mas maraming impormasyon at edukasyon na makakalap. 

Ngayon, tuwing sinusubukan kong maglaan ng atensyon sa pag-aaral ng kahit ano, madalas kong naaalala yung optimistiko mong paniniwala. Ang pambansang bayani, may mataas na pangarap para sa kabataan. 

Nabanggit mo rin noon yung kalaban mong “kanser ng lipunan”. Mukhang ganun pa rin ang kalaban. Mukhang kahit saang sulok kang tumingin, kung titigan ng maigi, may kanser sa mundo, sa lipunan, at higit sa lahat, sa sarili. Mukhang ang laban sa kanser ay patuloy kahit tayo ay wala na. 

Natuwa rin akong malaman na ang mga librong binabasa mo noon bago ka i-eeskusyon ay yung Biblia at De Imitatione Christi ni Thomas a Kempis (The Imitation of Christ). May kopya din ako nun! Ingles nga lang. Kung papipiliin ako kung sino ang gusto kong makausap sa kasaysayan maliban sa Panginoong Hesus, ikaw ang pipiliin ko. 

Nagsimula akong magblog nun, magsulat para tularan ka (at si Bob Ong). Hindi pala madaling magsulat, hindi dahil sa di ko alam kung ano ang sasabihin, pero dahil hindi ako ganoon kahusay mag-isip. Hanggang ngayon, hirap pa rin ako. 

Yung pagsusulat na ginawa mo na parang madali lang, kaya pala nagmukhang madali kasi napakahusay mo. 129 taon na rin nakalipas mula nung pinagbabaril ka sa Bagumbayan. Ang mamatay para sa pinaglalaban mo na gamit ang pluma. Yun ang mas astig. Maraming salamat sa inspirasyon. Salamat sa mga salita mo. Salamat, Rizal. 

No comments:

Post a Comment

Vacation thoughts/ resolution

1) Meditating on the building consumed by fire: We are taught that God is a consuming fire. His very presence will devour those that are fla...